Thursday, May 03, 2007

Boladas, balota at pag-asa

"Ligawan at Eleksyon" is media colleague Joe Torres' brilliant take on Philippine elections, over at the GMA7 Bloggers' Network. In it, he compares the extravagance and excitement of election campaigns to the rituals of wooing a beloved. His argument, sharp and unassailable, is couched in some of the most lyrical, fetching Filipino you'd read in a blog:

Parang ligawan ang eleksyon. Minsan masaya. Minsan maingay. Minsan magulo. Minsan makulay. Minsan mahirap patunayan ang wagas na pagmamahal. Maraming pangako. Madalas marami ang nakakalimutan pagkatapos makuha ang sinusuyo.

Sa panahon ng ligawan, langit at lupa ay handang pag-abutin. Pati buwan at bituin gustong pitasin mapasagot lamang ang ginigiliw. Subalit 'pag nagkasundo na, 'pag nakuha na ang nais, 'pag 'di wagas ang pag-ibig, pagdating ng kabuwanan, pagkatapos magkabuntisan, pati anino gustong pagtaguan...

Habang nanliligaw sa atin ang mga pulitiko at sa darating na halalan sa Mayo, huwag sana tayong magpadala sa matatamis na salita, sa mga makukulay na bulaklak na iaalay at sa luhong ibibigay ng mga nagkukunwaring tunay ang kanilang pag-ibig. Hindi sa kanila ang ating mga puso, kaya huwag nating basta isuko na lang ang ating pagkatao.

Bumoto ng may tamang kaalaman. Mag-isip bago isuko ang bandera ng Bataan, ika nga.

Tulad ng relasyon, kinabukasan natin ang nakasalalay sa darating na eleksyon. Tulad sa pakikipagtalik, mag-ingat sa
"casual sex." Mahirap ang panahon ngayon. Maraming nagkakasakit dahil 'di nag-iisip. Mabigat na pasanin ang pagpapamilya lalo na kapag talipandas ang mapapangasawa. Kaya huwag magpadala sa init ng puson. Huwag magpadala sa ilusyon na, dito sa ating bayan, ay kadalasan singkahulugan ng eleksyon.

That bit about irresponsible voting being akin to casual sex reminds me of a crude but hilarious punchline I first heard from gay stand-up comics at the Library. This Malate bar used to be so cramped that customers had to share tables, though nobody seemed to mind. During packed nights, the hosts would apologize for the lack of seats and explain that the place had, like the Wendy's of old, a "Share a table, win a friend" policy. With a twist, of course. Now it's "Share a table, win a friend, bring him home, get a disease."

Remember, as Joe says, 'wag agad isuko ang bandera ng Bataan! Think hard before voting. Or we'll always be a diseased country.

P.S. Thought I'd share with you something to chew on while I'm off to Bali on a working trip for a few days. Overseas travel often makes me teary-eyed for 'Pinas, whether it's realizing that in a few years Vietnam will overtake us if we don't get our act together, to seeing so much warmth and spirit in young Filipina OCWs manning a canteen at the Doha airport, on a cold midnight in-between flights. I think of my country, and I cry for both its boundless promise and wasted opportunities. At 36 years old, with two EDSAs behind me and a sister in Brisbane urging me to leave, I'm nearly at the end of my rope hoping. But putangina, am not letting go yet.

8 comments:

Jake said...

hi gibbs, jake de asis here, remember me? i've been reading your blog, actually naka-subscribe ako sa blog mo, anyway, i just want to tell you not to leave the country, gibbs kung aalis na lahat ang mga taong kagaya mo sa pilipinas, lalong babagsak ang pilipinas! kaya naman deadma ang mga politiko sa mga campaign na "its time to leave the country" shit, kasi mas gusto nga nila yun, so ang maiiwan na lang ay ang mga pinoy na nabobo na ng kahirapan at iba pang corrupt na kagaya nila, so tuloy ang ligaya! ako after that stupid edsa 2, naisip ko na kung puede lang pasabugin na ang buong pilipinas at start na lang again from zero, a new breed of filipinos, kung ganung kadali lang sana! wala eh, how do you expect the young pinoys to be a good citizen eh tingnan mo naman ang sorroundings nila. ako, i'm not giving up, but i know i will never "see" the "new" philippines, not in our lifetime, but we could be part of the history, in our own little way na may nagawa tayong participation sa "bagong pilipinas". so, stay ka lang dyan, kaya mo yan!

annamanila said...

Sobrang nakana ni Joe Torres ang buod ng botohan/kampanya, pinoy istayl. Kung baga sa darts, bullseye.

Magaling manligaw ang Pinoy na binata. Kay tamis ng dila, magaling manuyo, mataas mangako. Ang Pinay na dalaga madaling mabola. Mabilis bitawan ang bandera.

Kelan kaya magiging pakipot? Maselan? Maalam>

Bobang pinay.

Kung pareho tayo ng demograpiya, Gibbs Cadiz, malamang umalis na ako. Malamang ...

Mickey said...

wala na tayong magagawa sa mga taong bobo, dahil kahit pilit pilitin natin sila na matuto, makukunsumi ka lang.

I also have this predicament, my sister is in Melbourne and yet hindi ka maiwanan pamilya ko dito especially my mom, pero minsan naiisip ko rin umalis na lang dahil feeling ko ayokong tumanda dito sa Pilipinas with such "horrendous" social security system, eh paano na tayo.

take care.

Mickey

snglguy said...

You know what they say, We have the inalienable right to choose our own oppressors...

Abaniko said...

Basta ako, stay lang ako sa Pinas. Ang mura kaya ng beer dito. :)

Kurt said...

oo nga ako din gusto ko na mag migrate. ang hirap magka lovelife dito. lahat ng tao magkakakilala =/

gibbs cadiz said...

hi JAKE, of course i remember you. me utang pa nga ata ako dvd sayo, hehe. thanks for subscribing to my blog. how are you doing there in the US? hayaan mo, di ko talaga iwan ang pinas, bibisita lang ako sayo diyan. :)

ey ANNA, and leave the highly eventful life you've had here? wag, sayang yun. for one, they've given you so much to blog about. tama ba ako? :)

hi MICKEY, i totally sympathize with you. ako, i might consider working abroad for a few years, mag-ipon lang ba and take a breather from our fetid local politics, tapos when i have enough money to tide me through my sunset years, uwi na ako dito, be an active senior citizen and die here. can't imagine taking my last breath in a foreign land. :)

hay, sinabi mo, SNGLGUY. we do have the right to make fools of ourselves. pero sana naman not all the time, or every election time. :)

ikaw kasi, ABANIKO, you can always pack up and leave for abroad any time you want to. di ba? :)

haha, KURT, lovelife ba talaga ang problemahin? :)

Horny Peter said...

Hindi rin naman natin masisi mga pulitiko if mangako sila ng mangako. I mean, that's their strategy to win. It's up to us if we're going to put more monkeys in the government or not!

Pero ayoko rin namang isipin na ubod na ng bobo ang mga Pinoy. Alam ko na marami pa rin sa atin ang nakakaalam kung ano ang tunay na kahulugan ng responsible voting. Ngunit, sa kasamaang palad, no matter what we do, may mga nakakalusot talagang mga corrupt na pulitiko, and worst, iniimpluwensiyahan nila pati yung mga iilang mabubuti.

If we want this country to change, dapat yung change na iyon magsimula sa sarili natin. Hindi lang ang pagrarally sa kalsada ang paraan upang ipaalam na kailangan na natin ng pagbabago. Maraming paraan -- kailangan lang nating i-explore kung ano yung mga paraang iyon. Anyway, ingat sa trip Gibbs! Basta ba babalik ka eh!

P.S Thanks for adding me in your blogroll! I am so humbled, really!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Search this blog or the Web

Loading...