Sunday, December 09, 2007

Farewell, Sir Rene


Rene Villanueva, a pioneering force in Filipino theater and children's literature, died last December 5, 2007. Everyone who had the privilege of meeting Mr. Villanueva, including me, will have good memories of him. Despite his many awards, his longevity and lofty stature in Philippine letters, he was essentially a simple, approachable, decent man, gracious and generous in sharing his talent and experience with many younger writers and playwrights. He will be missed, especially by those who'd worked closely with him in the Writers' Bloc. A man who never lost his sense of humor despite failing health, Mr. Villanueva was explicit (and lyrically so) about how he'd like to be mourned and remembered in death:

Hiling at Habilin Kapag Natepok, panapos na kabanata ng (Im) Personal: Gabay sa Panulat at Pagmamanunulat

... ganoon din ang gusto kong pagdadalamhati para sa akin. Ayoko ng mga nagpapalahaw sa iyakan. Ayoko ng grief na Charito Solis, iyong kailangan pa ng dalawang tao sa magkabilang kamay para mapatahimik; ang gusto ko'y paninimdim na kalamay, mala-Lolita Rodriguez.

Hindi rin kailangang magluksa sa pamamagitan ng pagsusuot ng damit na itim o puti. Para hindi na gumastos pa. Tama na iyong kung anong damit ang mayroon sila. Kahit bulaklakin o kulay-pula. Wala sa kulay ng damit ang pagluluksa, wika nga ni Fanny Garcia sa "Saan Darating ang Umaga?" Ang pagluluksa ay nasa puso, sa taimtim na panalangin na maging payapa sana sa kabilang-buhay ang kaluluwa ng pumanaw.

Gusto ko ng apat hanggang limang araw na lamayan. Sana ay maiburol ako kahit isang gabi lang sa UP Chapel. Sa lamayan sa UP, gusto kong alalahanin ako bilang tao: ama, kapatid, kaibigan at kakilala.

Kung ako ang masusunod, apat na magkakaibang programa sa lamayan, bago ang sa UP, ang gusto ko mairaos. Bawat gabi'y iba-iba ang tema: sa unang gabi, si Rene bilang guro; sa ikalawa, si Rene bilang mandudula o alagad ng teatro; sa ikatlo, si Rene bilang manunulat para sa mga bata. Gusto ko'y may pokus ang programa; para hindi malunod sa dalamhati ang mga makikiramay. Tiyaking hindi lamang mga big time at mga writer ang aanyayahang magsalita. Kung may programang gagawin, dapat kasama si Edgar Ubales at si Dante ng PCTVF. Ayoko ng basahan ng tula; mas gusto ko ang straight talk.

At ang pinakaaasam ko para sa huling gabi: sana'y may isang gabi ng videookehan. Kantahan at kantiyawan. Wala nang pasenti-senti. Bawat isa ay pipili ng kantang dedicated sa akin siyempre. At ipapaliwanag ng kakanta kung bakit napili ang kantang iyon.

Sa lamay, sana ay may malalaking notebook para maisulat ng mga makikiramay ang huling habilin nila sa akin at sa aking mga naulila, bukod sa rehistro ng mga dumalo sa burol.

Ayoko ring bukas ang kabaong sa aking burol. Hindi ko gustong dinudukwang- dukwang at sinisilip-silip ako habang nananahimik. Natitiyak kong wala namang magbabago sa mukha ko para mapagbigyan ang curiosity ng ilan. Problema pa kung hindi maayos ang pagkaka-make-up sa akin. Ayokong magsuot ng barong sa burol ko. Gaya ni Mike, gusto kong ililibing nang karaniwan lang ang suot. Isang kumportableng pares ng damit; sana'y matingkad at masaya ang kulay: pula, orange o dilaw. Kung asul, powder blue. Kung kailangang magsapatos, tama na ang isa sa aking mga rubber shoes. Iyong ginagamit ko hanggang sa huling sandali.

Papunta sa sementeryo, sana ay patugtugin ang mga kanta mula sa Batibot. Kung may panahon o boluntaryo, maaaring ipaareglo ang funeral version ng theme song ng Batibot.

On a more serious note, sana'y maging okasyon ang pagyao ko para makapagtatag ng isang foundation. Pero ang gusto kong foundation ay iyong tutulong para sa training ng mga guro, facilitators, at resource person na ang gawain ay may kinalaman sa pagpapaunlad ng mga bata at kabataan. Trainors training ang gusto kong pokus ng foundation kung sakali. Mga bata at kabataan ang beneficiary, pero hindi direkta. Palagay ko, mas magiging mlakas ang impact at kontribusyon nito sa pagpapabuti ng buhay ng mga bata.

At para masimulan ang pagtatayo ng foundation, maaaring singilin ang ilang tao na may utang sa akin. Iiwanan ko ang listahan sa isang kaibigan. Kailangan nilang magbayad kabilang ang interes. Bahala na ang mga opisyal ng ROV Foundation na magtakda kung magkano ang ipapataw na interes. Ang lahat ng ito'y napahiram ko sa pagitan ng 1999 at ng 2000.

Eniwey, ang lahat ng mga ito'y mga pangarap lamang. Alam kong mahirap matupad, lalo kung wla na akong magagawa dahil nasa loob na ako ng kabaong.

Huling hirit: Gusto kong mai-donate ang aking mga akda, lalo na ang mga draft sa UP Archives.

Maraming salamat. At sa lahat, paalam.


Mr. Villanueva and I happen to share the same birthday (September 22--1954 in his case, 1970 in mine). My most vivid memory of him comes from this year's Virgin Labfest. During a short panel discussion after his newest children's play, "Bertdey ni Guido," had made its debut as part of that afternoon's trilogy, he and two other playwrights were asked what the experience was like to labor on their plays and then see them finally performed on stage. The two much younger dramatists were profuse in their expressions of inspiration, goodwill and gratitude. Mr. Villanueva, when it was his turn, took the mike and said simply, "It's like the dawn."

[Photo: Mother Tongue Publishing Inc.]

3 comments:

Rody vera said...

the Writer's Bloc and TELON held a tribute to Rene at 2pm, last Sunday, Dec 9, a few hours before his body was cremated. it was one of the most moving tributes I attended.The testimonials were so hilarious and touching at the same time. i couldn't get myself to talk because I know i'd do a charito solis (or maybe even a Vangie Labalan) instead of Rene's request for a lolita rodriguez poise. so i just sang the song that he translated from Les Miz. and Niel de Mesa sang something Rene translated from Rent while he was in the hospital, a few months back. the testimonials were amazing. I think Rene's daughters caught it all on video. I hope to get a copy one of these days.

You and Rene had the same birthday. Rene died on my birthday which left such a weird feeling. Good bye, Rene.

gibbs cadiz said...

RODY, i'd love to watch that video. :)

daniel palma tayona said...

i am left speechless.

i had no idea that sir rene died until i read this post. i had the pleasure of doing illustrations for one of his books and in one session with him, he left me with the impression of a grand old dad who can open other's eyes to the wonders of being a child. he has indeed left a hole in philippine theater and children's story writing that only sir rene can fill.

thank you gibbs for writing down sir rene's "huling habilin" here in your blog.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Search this blog or the Web

Loading...