Sunday, April 19, 2009

Danton Remoto lecture on Filipino gay poetry

Pinoypoets, in partnership with Anvil Publishing and Powerbooks, presents "Desire and Doom in Philippine Gay Poetry," a lecture by gay rights activist and poet Danton Remoto.

The lecture will be held on April 25, 2009, 2 p.m., at Powerbooks Megamall. It is free and open to the public. This event is the second of a series of lectures in celebration of Pinoypoets' fifth anniversary.

For inquiries, e-mail mail@pinoypoets.com, or text/call Rhodge at 0923-8096002 or Xam at 0916-6390640 or 0929-785327.


PLUS: A poem by Danton Remoto, from the grounbreaking Ladlad: An Anthology of Philippine Gay Writing.

Simula (Kay E.)

Sa ikalawang palapag
ng cafe,
una kong napansin
ang iyong buhok,
itim na tubig,
malinis at malamig,
bumabagsak sa iyong noo.
Matang may kubling
lungkot,
mga salitang maigsi,
manipis pa
sa hugis-suklay na buwan.

Hindi ko alam ang ibig sabihin
ng magpakailanman.
Ang alam ko lamang
ay mga kuwentuhang
laman ang pag-ahon
at paglusong
ng linggong nagdaan.
Ang pag-uusap
ng ating mga daliri.
Ang iyong labi
na pakpak ng paruparong
dumarapo, nag-iiwan
ng mga bulaklak
sa aking balat.

Ang ating mga hininga
na halos magpaliyab
sa hangin.

Ang mga araw
sana'y tila mga kamay,
unti-unti tayong hahatakin
palayo sa dilim.


[Photo: The Daily PCIJ]

2 comments:

Rhodge Fernandez said...

Maraming salamat po, Sir Gibbs!

gibbs cadiz said...

you're welcome, RHODGE. :)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Search this blog or the Web

Loading...