Thursday, July 16, 2009

Four new plays from DLSU's Harlequin Theatre Guild

De La Salle University's Harlequin Theater Guild presents "Playfest 2009: Box (Buksan ang Kamalayan)," a showcase of four new original plays written by the troupe's members.

This production runs July 29-30, 2009 (6:30 p.m.), July 31 (3 and 6:30 p.m.) and August 1 (3 p.m.) at the William Shaw Little Theatre, DLSU Manila. Ticket price is P150.

PANAKIP BUTAS by Dennise Endri D. Lozada: Malaking problema ang hindi makakain ng ilang araw kaya naman masaya na ang magkaibigang Bongbong Inosencio at Nardo Gayamo sa trabaho ng pagdidikit ng poster na hawak ang ekspektasyon para sa pera. Ngunit sa panahon ng eleksyon, hindi lamang pera at pagkain ang kailangang mahanap, may mga makikilalang bigating institusyon at isang kawi- wiling istorya ng dalawang binatang nawawala sa mundo ng desisyon, kapangyarihan, at pag-asa ng pagbabago.

ANINAG by Immy Belle Rempis: Ang dula ay umiikot sa storya ng buhay ni Rosa ( isang OFW pinay sa Saudi), ang naiwang niyang pamilya sa Pilipinas, at ang paghahanap nito ng hustisya para sa kanyang sinapit. Para kay Rosa at sa kanyang mga anak, umuulan subalit umaraw parin; patunay na sa gitna ng dilim, may pag-asa pa rin.

JEEP NI... by Carmi Mora: Si Juana ay matagal ng naghintay magparehistro para makaboto pero nang patungo na siya sa City Hall hindi inaasahang nasiraan ang jeep na kanyang sinasakyan. Habang naghahanap siya ng paraan para makaalis, kasama ng apat na iba’t-ibang uri ng tao na kasabayan niya papuntang City Hall, mayayanig ang kaniyang paniniwala na matagal ng tinatag ng kanyang ina simula pagkabata niya.

ANG BAGONG BAYANI by Nina Bunsoy: Kwento ng kapalaran ni Maltha Mendoza, isang babae na pinilit ng kapalaran upang magtrabaho bilang OFW. Iniwan niya ang kanyang pamilya upang makipag-sapalaran sa Saudi Arabia, kung saan siya naipit sa pagitan ng batas sa banyagang lupa at ng pangaabuso ng kanyang mga amo. Ang mga pangyayari ito ay nagbigay-daan sa pagkawala ng kanyang bait at unti-unting pagbitaw sa mundo ng realidad.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Search this blog or the Web

Loading...