Tuesday, August 11, 2009

'Bakit ayaw nyo kay Carlo Caparas?'

Dissenting comment from an anonymous Multiply reader named angbabaw, with whom I've had a testy back-and-forth. Posted here verbatim, for fairness' sake--and for the questions and charges, legitimate or otherwise, that it raises.

re: carlo j. caparas, bakit ayaw noy sa kanya? dahil ba sa hindi say galing sa hanay nyo? na anga kanayang pilosopiya ay salungat sa paniniwala nyo? dahil ba sa mga pito- pito? pero kung titingnan nyo naman, ang mga pito-pito ang bumuhay sa industriya ng mga panahong lugmok ito.pinagtatawanan nyo man ang mga masaker na pelikula subalit patok naman ito sa masa. ang mga ginawang pelikula ng iba nyong kakilala na sainyong mga pananaw ay may kabuluhan at tunay na arte gaya ng Bayani atbp ay tumaob naman sa takilya. ang iba nasayang lang ang perang grant ng gobyerno sa kanila.

ngayon ano ang konsepto nyo ng arte? saang mata ito dapat manggaling? sa mga taong may mga pinag-aralan kuno o sa karaniwang tao? wala namang may monopolyo ng arte o kaalaman. relative naman yan. karamihan sa mga pumuputak ay dahil na rin sa namomolitka, inggit at herd mentality lang. bakit noong panahon ng diktadura ay tahimik ang mga bunganga nila sa mga anomalya sa industriya? dahil ba sa takot o mga collaborators sila?

ngayon sino ba ang may karapatang humirang ng national artists? ang mga nagpoprotesta ba o ang pangulo? alin ba ang legal na paraan? at illegal? kaya nga merong presidential prerogative at sa ating batas ay ang pangulo lang ang may kapangyarihang gumawa nyan. ano ba ang power ng komite? recommendation lang naman di ba? malabo ba yan o malinaw? mahirap bang intindihin yan?

sasabihin n'yo ang mga hinirang ay hindi kasama sa mga nasa lista ng komite, di karapat-dapat at di dumaan sa tamang proseso. natural, yan ang panangga nila, kasi di naman nila ililista at pipiliin ang mga di nila kauri ano? iba ang mundo nila sa mundo ng masa. clash of huge egos lang kasi. subalit matanong kita, ano ang kabuluhan ng pagiging isang national artist kung ang mga obra mo ay hindi alam ng masa? kung ang obra mo ay iilan lang o kayu-kayo lang ang nkakaaintindi at nakakaalam? di ba iyan ay isang elitistang pananaw? anung pamantayan ba ang dapat sundin? marami kasi sa atin my messianic complex na, omniscient pa.

dapat ang arte walang boundaries. bigyan ng tsansa ang lahat. ang kriteria ay di dpat manggaling sa mga mata ng iilan lamang. dapat tumingin din sa direksyon ng iba. eh sa mga nahirang na at sa mga gusto nilang isama, ilan ba sa mga obra nila ang alam ng masa? mabibilang mo lang sa mga daliri. ki carlo naman, di na kailangan iesplika dahil sabhn mo pa lang alam na.

ang mga nagsasabing di sya ang ng dibuho ng kanyang mga obra sa komiks, di nila alam ang mga pinag sasabi nila kasi ako mula sa darna, reporter, tagalog klasiks. aliwan at wakasan, pamilyar ako sampu ng masang pilipino sa obra ni carlo. ewan ko lang kayo?


13 comments:

vonjobi said...

i think it's not cjc's merits that should be the point of discussion. it's really that he was not even nominated by his peers. that gma plucked his name from out of nowhere. the same goes for the others.

Jason Grimes said...

Di kaya si Carlo Caparas din ang gumawa ng comment na ito? Or his publicist working double time?

mojacko said...

gerry alanguilan has a vast pinoy komiks archive. mas alam nya na hindi nga si caparas ang nag-drawing ng mga pinakasikat nyang komiks. at hindi popularity contest ang national artist title.

wanderingcommuter said...

no doubt that carlo j caparas could be a national artist but the process of how he was chosen is what people are protesting.

IshnaVera said...

carlo j is just this pa-underdog kami ang kinakawawang masa to sell his b.s. claim to legitimacy... and the P1M project grant.

he is far from poor and oppressed. malaking pera na ang inilabas nila pansuhol sa ilang showbiz people to give favorable comments. i know a couple of people na nakatanggap na from cjc. gumastos talaga siya for this honor, kung honor pa bang matatawag ito.

ilang tao na ang nagsabi, kung kailangan ng national artist sa comics genre, before cjc, mas deserving naman si mars ravelo no, or larry alcala or nonoy arcelo, even pol medina na.

sa film mas lalo na! not one of his films could be called art by any stretch of the imagination. it was crap then and still crap now. he was just exploiting a trend. and well kung box-office returns at supporting the film industry ang defence niya so dapat si mother lily muna ang maging national artist bago siya.

Ding, ang bato! said...

Ilinaw lang natin na hindi ang kakayahan o ang kapasidad ni Caparas ang kinukuwestiyon dito. He can be a National Artist, sabi nga ng ibang nag-comment. But, what we're protesting here is the process of choosing. Outo f the blue, the name Caparas popped out of the media, announcing he's one of the Nat'l Artist. Isn't that unfair?

Pero, may kasalanan din ang ibang namomrotesta kaya't nagpuputukan ang butsi nitong si angbabaw. Minsan kasi, minmaliit natin si Caparas. Ang lagi nating sinisisi at isinusulat natin sa ating mga blog, si Caparas. Tandaan natin, walang kasalanan si Caparas. No need to mention his/her name kung sino man yun.

D said...

May kasalanan si Caparas. Una, dapat nakinig sya sa mga tao at hindi tinanggap ang award. Second, he was even defending himself with the lamest reasons. Porke he's hardworking, porke elitist ang award, etc. Tama si Jim Paredes, elite naman talaga ang nakakatanggap, kasi it's a prestigious award. Hindi para sa lahat ang Oscars at Nobel, at lalong hindi karapat dapat kay Caparas ang National Artist Award, kasi LAHAT ng nagawa nyang pelikula ay walang kwenta. Kumita lang sa takilya ang mga yun, kasi ang tema ng palabas nya ay mula sa totoong pangyayari, kaya interesado ang mga tao manood. Pinanood ko ang mga massacre films nya at ung Tirad Pass nya, na katuwa tuwang pelikula. Walang kwenta talaga. Mas nakakatawa ngayon, kasi ung kampo ni Caparas, mas lousy ang mga reasons kung bakit sya karapat dapat. Nabanggit ang kanyang mga scholarships at street na pinangalan sa kanya. Hindi na nga deserving sa isang National Award, wala pang logic.

I used to think Gloria must be okay, because of the economic policies na hindi naintindihan ng lahat, but may effect sa bansa in the long run. I used to think baka okay lang na nandaya si Gloria, kasi kung si FPJ naman ang nanalo, kasingbobo lang un ni Erap. But what Gloria has been doing lately (the 1million meal in new york, the Caparas awarding) has been too much of a statement from her. Sana makulong sya after her term.

At sa mga supporters ni Caparas, nakakaawa kayo.

Anonymous said...

Next time daanin na lang natin sa text vote ang National Artist na yan kung ganyan lang pala at boses ng 'masa'...I'm sure mas mananalo si Binibining Joyce Bernal dahil mas sikat siya kay Carlos Caparas! Pwe!Hahahahaha!!!

Ding, ang bato! said...

Maybe, you're right. May kasalanan din si Caparas.

Hey, everyone watched NBN last night? Caparas and her Annabelle-Rama-like wife was there. And they were discussing about the National Artist awards.

Pinagmamalaki pa nila yung achievements ni Caparas. Ke may scholars siya na over 400. Ke siya lang ang nagtatatag ng comics industry sa Philippines....

Di pa rin tama na siya ay mapili bilang isa sa mga National Artist. Maybe, YES, he is qualified. But, his name just appeared na parang bula. He is not even one of the nominee of CCP or MAYBE he is not really considered being nominated.

Anonymous said...

dude this "angbabaw" person is a low life man who enjoys trolling around blogs and groups. He has been annoying our multiply group Phil Animal Welfare last May or June because we have been pursuing a case against a cat-killer named Joseph Candare. He doesn't deserve this spot in your blog. We banned him from coming in our multiply group and even reported him to multiply. I'm surprised he's still alive and now he's trolling the theaters too. How typical.

btw, more power to gibbs.

Anonymous said...

You really have to approve it pa? Hahaha!!! That's funnY! Might as well not have the comment portion since you're censoring the comments. Mag MTRCB ka.

Anonymous said...

Maybe, you're right. May kasalanan din si Caparas.

Hey, everyone watched NBN last night? Caparas and her Annabelle-Rama-like wife was there. And they were discussing about the National Artist awards.

HONEY, IT SHOULD BE "WERE"!

Pinagmamalaki pa nila yung achievements ni Caparas. Ke may scholars siya na over 400. Ke siya lang ang nagtatatag ng comics industry sa Philippines....

Di pa rin tama na siya ay mapili bilang isa sa mga National Artist. Maybe, YES, he is qualified. But, his name just appeared na parang bula. He is not even one of the nominee of CCP or MAYBE he is not really considered being nominated.

gibbs cadiz said...

first time here, eh? eto, magbasa ka muna:

http://gibbscadiz.blogspot.com/2010/03/why-you-should-moderate-your-blogs.html

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Search this blog or the Web

Loading...