Thursday, August 06, 2009

Frank Rivera, in defense of Cecile Guidote Alvarez and her National Artist honors

We've heard the first volley. In the interest of fairness and airing both sides of the story, here's a defense--a novel one, by way of poetry--of recent National Artist honoree Cecile Guidote Alvarez and the process by which she was chosen. The four poems, e-mailed and posted here verbatim, are by noted playwright, actor and director Frank Rivera, who has also received awards for his verses in the vernacular.

Si Cecile Guidote Alvarez ng Dula
niyanig ang mundo nang ibinalita
na naging Alagad ng Sining ng Bansa
dahil sa pangulong inaalipusta.

Nguni't sino kaya sa larangang ito
ang makahihigit sa kanyang talino?
Kahit na sabihing wala sa proceso
karapatan pa rin ng ating pangulo.

Noon ngang itatag ang Pambansang Gawad
naggaling-galingan ang maraming huwad
"approval of peers" daw ang itinatawag
kahit ilan lamang ang karapat-dapat.

Mga humuhusga ay maghunos-dili
may karapatan bang kayo ay manuri?
Ano bang proceso ang ikakandili?
Pili ng Pangulo o ng taong mali?

Batas nitong buhay mahirap baguhin
lalo't marami ang nangagmamagaling
subalit kung ito'y pakalilimii
tunay lang mahusay ang dapat piliin!

MABUHAY ANG TUNAY NA ARTISTA NG BAYAN!

----------


Gawad sa Pambansang Alagad ng Sining
Pinatay kaya nga paglalamayan din
Sa Biernes ng hapon saka ililibing
Doon irarampa sa CCP mandin.

Mangagsisidalo ay piling artista
Sionil, Luz, Lumbrera, Almario, Cabrera
Pati imbitasyon para raw sa masa
Mangagluluksa sa nangyaring trahedya.

Kung itong gawad nga'y totoong namatay
Pati ang Sagisag nito ay pumanaw
Kwintas na Medalyon ay wala nang saysay
Hubarin, dahil sa umaalingasaw.

Titulo'y ibalik pati na ang pensyon
Gawad na nagmula sa Diktador noon
Napapanahon ang mga paghahamon
Kung tanging SINING ang mahalaga ngayon.

Patay na ang Gawad, huwag nang buhayin
Medalyong sagisag ay ibaon na rin
Bayaang mabulok sa pagkakalibing
Huhukayin lamang ang tunay na SINING.

MABUHAY KA!

----------


Ang unang balita sa Buwan ng Wika
Obama't Arroyo, nag-ut-utang dila
Protesta sa Gawad sa Sining at saka
Pagpanaw ni Cory na dinarakila.

Ipinagluluksa nating Pilipino
Ang mga malungkot na balitang ito
Ang sinasalami'y ating pagkatao
Kinurot na puso, bahaging yumao.

LUMULUHANG BAYAN,
WIKANG FILIPINO'Y HIRAP IPAGDIWANG!

----------


Ang Pangulo ang naggawad
Ang Pangulo ang lumagda
Pangulo ang nagpatupad
Sinong mga ngumangawa?

Anong pinag-aawayan?
Ang hinirang na di gusto?
Sinong may maykapangyarihan?
Ang proceso ba o Pangulo?

Sa Pangulo't sa parangal
Walang pipigil na batas
Hindi dapat na umangal
Procesong puro rin butas.

Kanya-kanya, tayo-tayo
Sila-sila, kampi-kampi
Kung 'yan ang tamang proceso
Pangulo ay hindi mali.

May etika bang nilabag
Kung parehong kalakaran
Ang ginagamit ng lahat
Sa kanilang gagawaran?

Pangulo man o proceso
Ang dapat na bigyang-pansin
Mga artista sa isyu
Tunay nga bang magagaling?

Kaya ang gagawaran lang
Karapat-dapat manalo
Tunay na may karapatan
Ang Pambihirang Talino.

Sa gitna ng kontrobersya
Sino nga ang mas magaling?
At sino ang nambiktima?
Walang sagot kundi- SINING.

3 comments:

Marcelli said...

Pfffft. Sipsip to the nth level!


His poems aren't even all that!

Rody Vera said...

Award ni Cecile tunay ngang nababagay
kung Huwad na Pangulo ang siyang nagbigay
Aliw Awards na niluto nitong si Rivera
Kung saan 'to natutunan, ngayon alam ko na!

Biglang pinupuri ang Pangulong huwad
Dahil tuta pala itong binigyan ng award
Tuta ng tuta, mag-isip ka kaya
Sining nga ba talaga ang dinadakila?

Huwag lalong dungisan ang ngusong may tae
Sa paghimod ng puwet ng among kinandili
Ang Award na nababagay sa iyong poetry
Ay tae ring hinimod, taeng marumi.

pwe.

The English Ocean said...

Hay naku, kailangan talaga niyang idepensa ang KALAHI niya kung hindi ay mawawalan ng delihensya!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Search this blog or the Web

Loading...