Wednesday, August 12, 2009

'Hindi kami mayayaman. May prinsipyo lang kami.'

Comment by theater_soul. Hear, hear.

Masasabi mo ba talagang obra yung mga pelikula nya? Na makabuluhan ang kontribusyon ng Maggie De la Riva story? Na nagbago ang pananaw ng isang henerasyon dahil sa mga massacre films?

Si Atang de la Rama, noong panahon nya, popular at kilala, National Artist. Si Levi Celerio, naarok ng masa ang mga ginawa nya, National Artist. Hanggang ngayon, alam ng mga bata ang Ugoy ng Duyan, hanggang ngayon inaawit sa mga bata. Hanggang ngayon, may epekto at buhay ang awitin nyang iyon. Malawak at lasting ang impluwensya ng gawa nya. Ngayon, masasabi mo ba yan tungkol sa massacre films ni Carlo Caparas? Masasabi mo bang may impluwensya ang mga iyon hanggang ngayon? MAKABULUHANG impluwensya?

Pero sige, isantabi mo na iyong mga una kong sinabi. Ang ipinoprotesta ay ang proseso. This is the National ARTist Award. How will we respect this president's changes to the awardees when it is clear that ART IS NOT ONE OF HER PRIORITIES AS A PRESIDENT?

At please, pakitigil ang elitist argument na iyan. Alam mo ba kung magkano ang suweldo ng isang karaniwang artista ng teatro? Three to four digits per show! At tatanggalan pa yun ng Tax! Karaniwang tao lang kami. Pero nanduon kami sa CCP nung araw na iyon. Hindi kami mayayaman. May prinsipyo lang kami.
[boldface mine.]

PLUS: The indispensable Jess Abrera's editorial cartoon in today's Inquirer.



No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Search this blog or the Web

Loading...