Friday, October 02, 2009

Nang Dahil sa Hair Dryer

By Rody Vera, via Facebook

Oo,mga kapatid pinasok ng baha ang aming balahayhay. At ang bilis ng pasok ng tubig. Hindi pa namin naiaangat ang mga papeles ni Jun, at iba pang mga musical scores!, yes, mga music scores- at ang iba roon-- sigurado ako mga patatag scores. -- hindi pa namin sila naiaangat -- kinailangan na namin bilisan ang pag-angat ng ref, ng oven, ng washing machine. Pati na ang motorsiklo ni Jun, ipinasok namin sa loob ng bahay, ipinatong sa mas mataas na tablang kahoy-- pero wala pa rin. Wala pa rin. Yung markang pininta ko na siyang pinakamataas na inabot ng mga nakaraang baha (circa 1990 pa yata yun)-- nilampasan ngayon ng mga kalahating talampakan. Kaya kahit inangat namin ang lahat-- inabot pa rin ng tubig.

Medyo kinabahan na ako nang umakyat ang tubig sa ikalawang step ng hagdan namin. Parang hindi titigil ang pag-akyat ng tubig. I just gave up. I took a a parting look at my ref, went upstairs and..... got my iPod and listened to Bartok's Piano Concerto No 1. Hindi ko maintindihan ang music kasi hindi ko rin maintindihan yung nangyayari sa paligid ko. I started tweedling my thumbs. Habang sa tenga ko-- hala-sige ang bang at bagsak ng piano at orkestra. at the same time ang takbo ng utak ko hindi ko alam kung saan pumupunta. Basta ayaw kong marinig ang lakas ng buhos ng ulan sa labas. Si Khaek, tingin nang tingin sa labas-- na para bang umaasang pag tumingin siya ay titila ang ulan. slowly i realized na -- punyeta-- kung sakaling umakyat pa ang tubig sa second floor ay literally magiging trapped pala kami. Ibig sabihin, wala pala akong exit to the roof. Pa-exit to the gate ang fire exit (tanga, kaya nga fire exit, siyempre hindi papuntang bubong.) Ganun nga pala. Pag may sunog, ang takbo pababa. Pag may baha-- paakyat.

By around 11pm, itinulog naming lahat. Hoping that it will all pass away when we wake up. Parang inaasahan naming pag gising namin-- maliwanag ang araw, may mga ibong kumakanta at nasa wonderland kami. Pero hindi. Pag gising namin-- binati kami ng maitim na putik. Wala na ngang baha-- pero nag-iwan ng burak. so I faced the music and started cleaning one tile after another. Nung una-- hindi kami makapaglinis nang mabuti dahil wala rin kaming tubig sa gripo. lumubog din ang water pump sa baha. After a few hours, nagkaroon din. At natuloy na nga nang husto ang BUONG ARAW ng paghuhugas, pagpupunas, at pagluto ng mga hilaw na karne sa ref. Punyeta. Puro pinirito. piniritong manok. piniritong isda. piniritong giniling. piniritong mushroom. Para lang hindi masayang ang nakaimbak sa ref.

At siyempre hindi rin umandar ang motorsiklo. ang payo sa amin- huwag munang paandarin ang ref at oven at washing machine. Nag-iimagine na kami na baka kailangang bumili kami ng washing machine at ref. Deadma na sa oven. Kung sira ang oven, e di ganun. Goodbye, food for the gods for christmas.

ayokong manood ng tv. Dahil alam kong ang daming trahedyang mangyayari. ang manonood lang siguro ng TV sa panahong iyun ay yung mga HINDI sinalanta ng baha. Para maawa sa mga sinalanta. Later na ako manonood ng TV, sabi ko. Pag naayos na namin ang kalat na ito. Na hanggang ngayon hindi pa rin tapos... Although binuksan naman ni Noel ang radyo kung kaya bahagya ko ring naririnig ang daing ng bayang Metro Manila.

At any rate-- ang tanging dala namin ay blow dryer. Una kong blinow-dryer ang lumang blender na binili ni Jun sa Kuwait-- as in circa 1987. SUCCESS! Nang matuyo ang motor-- umandar siya! Sumunod ay ang Ice Cream Maker na gawang China. Iniisip ko-- anak naman ng tokleng. Kung ayos ang Ice Cream Maker at ang REF ay sira-- ano'ng silbi nito? At ayun nga-- after a few minutes of blowdrying, umandar ang Ice Cream Maker. so meron akong ice cream maker... wala akong ref. Ganda.

Sabi ko kay Jun pumunta kami sa Anson-- sa Cash and Carry at mangarap kami ng Washing Machine. If anything yun siguro ang pinakaimportante naming dapat bilhin. Kasi ang dami na naming nagamit na basahan at wala pa kaming laundry na nagagawa. Buti na lang hindi kami nagpasyang bumili. Dahil pag-uwi namin-- nangahas si Jun na buksan ang Washing Machine. Sabi niya, kung pumiutok ito, e di talagang kailangan na nating bumili. Ayun, at umandar dahil uli sa hair dryer.

By the third day-- humingi kami ng tulong sa isang technician at chineck niya isa-isa ang ref at oven. Ang dala niya-- isa ring Hair Dryer. Sabi ko, mas maganda ang hairdryer niyo manong, kulay blue. Ngiti lang siya sabay blow sa relay ng ref, sa motor ng ref. Tapos yun namang oven, pinaandaran niya rin ng hairdryer. Ayun,uminit ang oven, lumamig ang ref. Nakahinga na kami.

Kalat na lang. Ang daming kalat. Kung mayroon mang nagawa itong si Ondoy ay pinilit kaming mag-spring cleaning. Siya na ang nagpasya kung ano'ng dapat naming itapon.

The next few days I watched the news on TV and the internet and found out how lucky we were. halos maiyak ako sa mga nakikita ko sa news. Lagi kong sinasabi-- puwedeng nangyari sa amin yun. At ang laking galit ko naman nang makita ang mga putang-inang alagad ng gobyerno - going through the motions of helping the victims.

Gaya nga ng sabi ko sa kaibigan kong taga-New York.... Bush had his Katrina. GMA now has her Ondoy. Sana matandaan ito ng taumbayan. Nakakabuwishet.

pahabol:
May binebenta kaming lumang TV, lumang VHS player, lumang iba pa... package deal 7k lang. No, hindi ito nabasa ng baha. Pero e ano naman kung nabasa man ito-- basta may Hair Dryer ka, ayos!


4 comments:

Abaniko said...

Bartok's Piano Concerto No. 1 talaga ha? Akala ko Paul Dukas's "The Sorcerer's Apprentice." Hehehe. Joke.

r-yo said...

he he. napapanood ko nga sa mga detective shows sa tv (US ha) na hairdryer lang ang katapat ng mga nabasang celphone, etc. galing!

Toilet Thoughts said...

Hahaha! unga naman. Wag lang sana brownout at di rin magagamit ang hairdryer.

Pero ayan, napack ko na hairdryer ko. hehe.

reyjr said...

Good thing everyone was safe. =) I've included your post in a compilation of stories about Ondoy Here. Hope it's OK. :)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Search this blog or the Web

Loading...