Wednesday, August 17, 2011

Loco over Rocco and his Dalawang Kaliwang Paa


“Isn't Rocco Nacino such a sweetheart?” asks McVie. Sus, OA. He's, ah, um... a work of art. (Yaman din lamang pinag-uusapan ang art-art ngayon!)

Or, rather, his Cinemalaya movie, Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa, directed by Alvin Yapan and Alem Ang, is. Yes, you heard me, it is--even if Sayaw's story might again induce Bishop Bacani to exclaim, “Kadiri!” and cause his moral minions to hyperventilate, though am not sure whether from indignation or secret kilig.

Rocco is inviting everyone to the special screening of Sayaw on August 23, 2011 at Cinema 9 of SM Megamall, in a twinbill with Jade Castro's pulverizingly hilarious Zombadings I: Patayin sa Shokot si Remington, starring another heartthrob giving a breakthrough performance, Martin Escudero.

For only P500 (P300 for one movie), you get a double treat--moving poetry, dance, emotion, The Gaze (basta, panoorin mo na lang), plus Rocco and Paulo Avelino in frame after frame (though Jean Garcia is also excellent) in Sayaw; and sweet, explosive comedy, graced by the inimitable talents of Roderick Paulate and Eugene Domingo, among others, in Zombadings.

E-mail me gibbs_c@yahoo.com for tickets--but do it fast, they're nearly gone. The twinbill screening is a fund-raising effort of The Love Yourself Project. Rocco, bless him, even took time out last Sunday to join the photoshoot organized by TLYP, hence the swoon-worthy pics above.

PLUS: At the event, the people behind Sayaw will also be selling copies of a limited-edition CD featuring the poems and music used in the film. [Alvin and Alem were also director and producer, respectively, of the 2009 Cinemalaya entry and Cairo International Film Festival-winning film, Ang Panggagahasa Kay Fe, which starred Irma Adlawan.] I'll let Alem do the explaining:

The CD contains some of the instrumentals, all the songs and poems with poetry reading from the movie. So, aside from the songs that was heard in the movie, isinama rin namin ang mga pagbasa nina Jean Garcia, Paulo Avelino and Rocco Nacino para mabuo ang mga tula. 'Yung ibang songs kasi, kapirasong bahagi lang ng tula. Kaya naisipan namin ipasok ang ibang mga pagbasa sa mismong pelikula para buuin ang mga tula.

The poems are by the country's top feminist poets: Rebecca Añonuevo, Joi Barrios, Merlinda Bobis, Ophelia Dimalanta, Ruth Elynia Mabanglo and Benilda Santos. Kasama sa jacket cover ang lahat ng mga tula with pictures from the movie and recording. The songs were composed and arranged by Jema Pamintuan and Christine Muyco, both from the academe. Si Jema ay teacher ng Filipino, colleague ni Alvin [Yapan] sa Ateneo. Si Christine naman ay chair ng dept of musical theory and composition ng UP College of Music. She is actually from Iloilo kung saan nanggaling 'yung epikong Humadapnon na ginamit sa pelikula. Kaya 'yung tunog pati 'yung chanter na si Rolinda Gibaliga ay mismong galing sa tribe na pinanggalingan ng epiko.

Ang mga songs ay inawit nina Victor Robinson III, Nicole Judalena at Roselle Pineda. Si Victor ay graduate ng Ateneo at lumabas na siya sa mga play ng PETA. Si Nicole naman ay dating performer ng SOP. Pareho silang estudyante ni Alvin sa Ateneo. Si Roselle naman ay guro rin sa UP na kung saan nagdidirek siya ng mga play at opera.

Dahil walang royalty na siningil ng mga makata for their poem, we will be giving them royalties from the sale of the CD. Ang CD cover design pati na rin 'yung mismong poster ng 'Sayaw' ay gawa ni Kerwin Kaizer Yu na schoolmate ko naman sa Xavier.

Tapos, bilang bonus track, ipinasok na rin namin ang likha ni Jema for 'Gayuma:Pilgrim Lovers' [another--still unreleased--indie film also directed and produced by the Alvin-Alem tandem]. There are 2 versions from Gayuma ng kantang Pagsamba, isang Bikol at isang Filipino. Ipinasok na rin namin ang 2. Hindi kasi madaling gumawa ng soundtrack kaya since andito na ang opportunity, ipinasok na rin namin 'yung theme from Gayuma. Hindi naman kasi typical for an indie film na maglabas ng soundtrack. So, naipasok na rin namin kasi sayang naman. At magaganda talaga ang songs.


5 comments:

Kes said...

This is great news! Definitely getting the cd :)

Anonymous said...

Ang galing ng mga gumawa ng music - sina Jema at Christine - at syempre, ang gagaling ng mga gumawa ng mga tula!

Semidoppel said...

Hmm I hope I can have the cd...mukhang di kaya dahil sa sched..so sad

RonTab said...

The music and poetry were so sensual. Loved the film.

Will buy the CD.

Podi Alejandro said...

'limited edition'! never have two words been so, so wounding. :'(

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Search this blog or the Web

Loading...